Friday, April 23, 2010

April 21, 2010 (EARTH DAY CELEBRATION)


The Panukad Group went to Tampakan to witness the Earth Day Celebration in lined with the protest against mining.

(April 23, 2010) Day 10

We updated our blog and we were given a chance to comply all our requirements. We prepared a program for tomorrow’s event. Though everybody’s excited and happy for the accomplishment of our Radio OJT, we also feel sad to leave with our second family , the DXCP- CMN Gensan. With them, we were able to develop our enthusiasts in the field of Broadcasting. Thanks to the management and staff of DXCP_ CMN Gensan.
We owe you one. God bless sa ating mga nagsisikap...

Wednesday, April 21, 2010

April 22, 2010

Mandatory Helmet Act, nilagdaan ng Pangulo

Obligado na ang mga drayber ng motorsiklo na magsuot ng helmet matapos lagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Republic Act No. 10054 o Mandatory Helmet Act.

Labis na natuwa si Rep. Rene M. Velarde(Party list, BUHAY) sa pagsasabatas ng kanyang inakdang House Bill 6924 na nag-uutos sa lahat ng motorcyclist na magsuot ng “standard protective motorcycle helmet” habang nagmomotor.

Dagdag pa nito, mapoproteksyunan ng helmet ang mga drayber at pasahero laban sa disgrasya at malagim na aksidente sa kalye.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P1, 500 hanggang P10,000.



Haya Jane Estigoy

April 22, 2010

45 milyong balota, natapos ng maiprinta!

Natapos ng maiprinta ang 45 milyon sa 50 milyon na mga balota na gagamitin sa May 10 automated election.
Dahil dito limang milyon na lamang ang kinakailangang maiprinta na balota sa National Printing Office (NPO) upang makompleto na ang mga ito.
Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, dahil sa mabilis na pagprinta ng mga balota, inaasahang matatapos nila ang printing process sa darating na deadline sa Abril 25.
Dagdag pa nito, pag natapos na ang pagprinta sa mga balota, uumpisahan na ulit ang paghahatid nito sa bawat polling precincts sa buong bansa.
May dalawang linggo na lamang ang Comelec upang maibahagi sa mga polling centers ang mga balota.


Haya Jane Estigoy

CIDG-12, nabunutan ng tinik!

Labis na natuwa ang Criminal Investigation and Detention Group (CIDG-12)sa paglipat sa apat na mga Ampatuansa kostudiya ng Camp Bicutan, Taguig.

Limang buwan ding nakakulong ang mga Ampatuan dahil sa kasong illegal possession of firearms at rebelyon sa nangyaring Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009 na ikinamatay ng limamput pitong inosenteng sibilyan kasama na ang tatlumput dalawang miyembro ng print at broadcast media.

Ayon sa pahayag ni Police Senior Superintendent Pedro Austria, matagal nilang hinintay ang desisyon ng korte na mailipat na ang mga suspetsado sapagkat nakabigay ito sa kanila ng di magandang impresyon galing sa mga tao.

Nauna ng nagpalabas ng resolusyon ang konseho ng Heneral Santos na padaliin ang paglilipat sa mga Ampatuan sa kadahilanang naaapektuhan na ang turismo ng lungsod.

Dagdag pa ni Austria, panahon na para alisin ang pagdududa sa pagbigay umano ng espesyal na pagtrato sa mga Ampatuan.

Matapos mailipat sa Maynila ang mga suspetsado, nagpahayg si Austria na bukas na sa lahat ng media ang kanyang ahensiya.


Haya Jane Estigoy

Gensan Revenue, umakyat ng 28.31% sa unang quarter

Umabot sa 248 milyones ang kabuuang actual revenue ng buwis ng syudad matapos ag itinakdang deadline sa pagpasa ng income tax sa loob ng unang quarter.

Ayon kay Atty. Franklin Ladores, Revenue District Officer ng Tanggapan ng Rentas Internas, target revenue ng ahensiya nitong buwan ng Enero ang pitumpung milyong piso samantalang sa Pebrero, umabot ito sa limamput pitong milyon at sa buwan ng Marso, animnaput anim na milyong piso.

Idinagdag pa nito, ang mithiin ng revenue kada buwan ay dedesisyunan ng punong tanggapan.


Haya Jane Estigoy

Monday, April 19, 2010

Tuesday ( April 20, 2010)

We started the day with praying the rosary. After that, we had our meeting with Mr. Dasoy for follow-ups of our tasks and introduction of new assignments such as the celebration of Earth Day on April 21, 2010 at Tampakan and Opening of Coal Power Plant at Maasom.It has been decided that the Panukad Group will be in Tampakan. It has also been discussed that our on the job closing will be on Saturday morning. As usual, we passed our deliverables and gathered news as well. We were also reminded of our requirements since the end of the OJT is coming near.

At 7 pm, we attended a campaign rally at Sto. Nino Apopong for the AIM Party. The two groups were there to gather information and observe the flow of the rally.