Sunday, April 18, 2010

S/supt. Pintac, Naglabas ng sama ng loob, ukol sa paninirang puri sa Gensan Pulis

Naglabas ng sama ng loob ang City director gensan Pulis S/supt. Marcello Pintac sa gitna ng selebrasyon at pagbubukas ng bagong terminal sa Bulaong Gensan.
Ayon sa kanya,tinawag di –umanong kawatan ang Gensan Pulis, at isang pahayagan sa Diyaryo di- umano ang naglathala ng nasabing isyu. Ikinasama ng loob ni Pintac ang nasabing kontrobersiyang kinasasangkutan ng Gensan Pulis.
Dagdag pa niya, ‘wag naman daw husgahan ang lahat ng mga Pulis sa lungsod, ito ang kanyang hinaing at patama sa nasabing pahayagan.
Hindi man niya direktang inaming may Pulis ngang sangkot sa usaping pagnanakaw, pakiusap niya wag naman daw pagbintangang kawatan ang Gensan Pulis, dahil bilang isang alagad ng batas at City director ng Gensan Pulis, ginagawa naman umano niya ang kanyang trabaho lalong- lalo na sa usaping pagdidi-disiplina ng kanyang mga tao.

-April Joy (A.J.) Dayupay