Thursday, April 15, 2010

10th Chapter Assembly idinaos ngayong Araw

April 16,2010

Puspusang paghahanda ang ginagawa ng philippine National Red Cross upang masigurong magiging matagumpay ang kanilang 10th Chapter Assembly na may temang “Pagmomodernalisa ng philippine Red Cross, Pagharap sa mga bagong Pagsubok”.
Inaasahan namang humigit kumulang isang daang delegado ang dadalo sa nasabing okasyon sa araw na ito. Ang sentro ng nasabing okasyon ay ang pagkakaroon ng eleksyon uapang makapili ng bagong board of Directors ng Philippine Red Cross.
“Ayon kay Liza Villareal” (Philippine Red Cross Representative)sila ay magbibigay din ng pagkilala sa mga taong malaki ang naiambag na tulong sa Philippine National Red Cross Institution.
Lingid sa kaalaman ng mga mamayang pilipino, ang Philippine Red Cross ay hindi lamang nakasentro sa serbisyo ng pagbibigay ng dugo na syang pangunahing serbisyong kanilang binibigay, bukod sa blood Services,kung saan ito ang kanilang pangunahing serbisyo na ibinibigay, meron din silang Disaster management sevices,Safety services, community health and nursing services, Red Cross youth Sevices, at social services.
Taon-taon ang Philippine national Red Cross ay nag organisa ng summer training Institute para sa mga studyante sa sekondarya at sa mga propesyunal. Layunin ng training na ito ang maituro ang mga pangunahing lunas na maaring gamitin sa oras ng iba’t-ibang uri ng sakuna.



Bai Antonia Sinsuat

No comments:

Post a Comment