Monday, April 19, 2010

14 LUNGSOD SA MAGUINDANAO, TINUTUKAN NG AFP

Mahigpit na pagbabantay ang ginagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa labing apat na mga lungsod sa Maguindanao dahil sa presensya ng armadong grupo at lawless MILF group.

Ayon kay Army Col. Herbert Yambing, Chief of the Joint Security Coordinating Center, iilan sa mga lungsod na may presensya ng mga armadong grupo ay ang Sultan Barongis, Mamasapano, Datu Piang, Shariff Aguak, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Northern Kabuntalan at iba pa na nasa ikalawang distrito.

Dagdag pa ni Yambing, magdadagdag umano sila ng puwersa sa mga lungsod na nabanggit upang mabigyan ng proteksyon ang mga botante laban sa kaguluhang maaaring mangyari sa darating na eleksyon.




PANUKAD GROUP
Haya Jane L. Estigoy

No comments:

Post a Comment