Thursday, April 15, 2010

Basura sa gensan lumulobo ang bilang. Interim integrated waste collection and services unit (IIWCU) aminadong nahihirapan dahil sa ......

April 15,2010

Nananawagan ang pamunuan ng IIWCU sa mga mamamayan ng lungsod ng Heneral
Santos na makipag koopera sa tamang pagtapon ng basura. Alinsunod narin sa ordinance no.12 na ipinalabas ng pamahalaan ukol sa proper waste segregation. Taong 2007 ng manguna ang lungsod ng Heneral Santos bilang pinaka malinis na lungsod sa buong Pilipinas. Ngunit sa paglipas ng mga taon ay unti-unti naring kumukupas ang magandang imahe ng lungsod, dahil narin sa mga napabayaang tambak na mga basura kung saan-saan. Sinisisi tuloy ang pamahalaan sa nangyaring pagpapabaya. Ayon kay Ferdinand J. Paneja( PSO IV Division chief SWM division) aminado silang kulang na kulang na ang mga garbage trucks na kanilang nagagamit araw-araw. Mayroon labing-limang(15) garbage trucks ang IIWCU, ngunit pito hanggang syam lamang dito ang kanilang nagagamit dahil ang iba sa mga ito ay depektibo na. Aniya, kung pondo lamang pag-uusapan ito ay nakalaan lamang para sa pagpapakumpuni ng mga sira ng mga gumagana pang mga trucks.Gayun paman sa kabila raw nito, ang IIWCU ay hindi nagpapabaya sa pagpapanatili ng kalinisan ng lungsod. Sa katunayan isa o dalawa katao ang araw-araw na nag momonitor sa dalawangput-anim (26) na barangay sa buong gensan na syang pangunahing respinsable sa pangungulekta ng mga basura sa mga sakop nitong lugar, batay yan sa national law. Kasabay pa nyan ang pag papadala ng mga tauhan nito upang pumunta sa mga lugar na madalas hindi napupuntahan sa araw-araw na pangungulekta, ito ay upang magbigay ng kaalaman sa tamang pagsigriga at pag rerecycle ng basura. Binigyan diin nya na kung makikipag tulungan lamang ang mga mamamayan ng lungsod ay mababawasan raw ang paglobo ng bilang ng basurang kanilang nakukulekta. Inaasahan namang magdaragdag pa ang pamahalaan ng mga garbage trucks sa susunod na taon.


Marynoll B. Cabacos

No comments:

Post a Comment