Thursday, April 15, 2010

Local na pamahalaan ng lungsod ng Heneral Santos nag- organisa ng kauna-unahang Summer Sports Clinic para sa mga Kabataan ng Gensan.

April 15,2010

Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Heneral Santos at CMO- Sports and Games Development Division, inilunsad ang kauna-unahang Free Summer Sports Clinic sa Gensan.Layunin ng programang ito ng local pamahalaan na maipakilala at maituro sa mga kabataan ng gensan ang iba’t- ibang sports and games na maaari nilang mapaglibangan. Ito na marahil ang sagot ng pamahalaan sa dumaraming bilang ng mga kabataang mas nakakahiligan pa ang paglalaro ng mga computer games na kadalasa’y nagiging dahilan ng madalas na pagliban ng mga estudante sa paaralan. Ang mga kabataang edad dose pababa ang iniimbitahang lumahok sa nasabing progarama. Kabilang sa mga larong maaaring ituro sa programang ito ay ang chess, taekwondo, table tennis, arnis, volleyball, at basketball. Ayon kay Elias A. Banguiran (tournament Director) bagamat walang inilaang pondo ang pamahalaan para dito, maasahan naman ang kalidad ng kanilang pagtuturo ng mga nasabing laro. Dagdag pa nya, laking pasalamat nila sa bolontarismong pagtuturo ng mga batikang manlalaro ng Gensan, gaya nalamang nila Robert Adanao(taekwondo), Fritz Paterna (chess),Mr. Hilado(table tennis), Silvano bombales (arnis), Delsa Angeles (volleyball), at Douglass Sisson (basketball). Positibo naman ang pananaw ng pamunuan ng Sports and Games Division na magiging matagumpay pagtatapos ng programang ito, na inaasahang masusundan pa sa mga susunod na taon. Ang nasabing Summer Sports Clinic ay magpapatuloy sa buong buwan ng Abril, na ginaganap sa Oval Gym.


Marynoll B. Cabacos

No comments:

Post a Comment