Wednesday, April 14, 2010

Mga Opisyal ng Tanggapan Pang-agrikultura ng South Cotabato, hindi nababahala sa El Niño

April 15,2010

Positibo ang naging pahayag ng mga opisyales ng Tanggapang Pang-agrikultura ng South Cotabato ukol sa usapin ng aanihing palay sa probinsya sa kabila ng mahabang tagtuyot na tumama sa bansa. Inaasahan pa rin ng tanggapan na mamimintina nito ang target na 28, 500 metric tons (MT) na aanihing palay sa susunod na tatlong buwan.

Ayon kay Reynaldo Legaste (Agriculture Office Chief) ng South Cotabato, ang lapad ng aanihing palay sa probinsya ay aabot ng pitong libo’t- limandaang hektarya mula buwan ng Abril hanggang Hunyo. Kaya naman ang inaasahang produksyon ng bigas ngayong buwan ay sapat na sa loob ng apat ng buwan. Tiniyak ng pamunuan na kung magpapatuloy ang pag nonormalisa ng kondisyon ngmpanahon ay mas tataas pa ang produksyon ng bigas.


Marynoll Cabacos

No comments:

Post a Comment