Wednesday, April 14, 2010

300,000 VIS, ipinamahagi!

April 15,2010

Namahagi na ang Comelec ng mahigit tatlumpung libong voter’s information sheets (VIS) sa dalawampu’t anim na baranggay ng lungsod upang matulungang makapagdesisyon ang mga tao sa bobotohing kandidato.

Binanggit ni Vincent Dumaguit, Comelec election assistant na ang nasabing VIS ay ang pinal na na listahan ng mga pangalan ng mga tatakbo ngayong eleksyon.

Ipinahayag din ni Comelec XII Acting Regional Director, Michael Abas na mahigit tatlumpung milyon na sa limampung milyon ang naiprintang opisyal na balota na syang gagamitin sa nalalapit na eleksyon. Idinagdag pa nito na wala silang nakikitang magiging aberya sa paglilipat ng mga balota sa mga probinsya, lungsod at munisipalidad dahil sa paghahandang ginawa ng Komisyon..

-Haya Jane L. Estigoy-

No comments:

Post a Comment